Nandito na naman ako sa opisina. Hindi ko na naman alam kung ano ang uunahin ko. Ang magbasa ng libro, mag-internet, mag-telepono, matulog, o mag-blog. Tanggalin na natin sa listahan ang matulog, nandito kase ang boss ko, kaya hindi yun pwede. Tanggalin na rin natin sa listahan ang telepono, kase obvious naman yun di ba. E matatapos ko na yung libro na inuulit ko, at inaantok ako lalo habang nagbabasa, kaya hindi rin pwede. Hindi rin naman ako pwedeng mag-internet, kase naka-connect nga cya, kaya isa na lang ang natitirang option. Mag-blog, kaya eto ako ngayon, abalang-abala na naman.
Paano ko nga ba uumpisahan ang kuwento ko. Hindi ko kase alam kung saan ako magsisimula. Eto na naman ako. Lagi na lang ba akong ganito, hirap na hirap umpisahan ang kuwento?
Ang dami rin kaseng nangyari sa buhay ko noong mga nakalipas na araw e.
E siyempre, mahirap naman mag-simula ng kuwento sa gitna d ba. Kaya lang, d ko talaga alam kung saan mag-uumpisa e.
Huh! Ano ba ito, puro palabok pa lang ang mga nakasulat ha. Kumbaga, introduction pa lang, wala pa yung body, pero medyo, madami na rin akong naita-type, patunay lang kaya talaga ito ng pagiging madaldal ko?
Sige na nga, ibabalik ko na lang. Uumpisahan ko sa nangyari kagabi. Pero teka, mahirap ata yun. Sige na nga, uumpisahan ko na lang dun sa araw na natatadaan ko. Alam nyo naman ako, short term memory, kaya dun na nga lang. Wala pa naman akong matatanong ngayon, kase nga hindi pwedeng gumamit ng telepono.
Umpisahan ko na lang nung gabi ng bago mag-simbang gabi, so december 14 yun.
Oo, kahit naman nandito kame, meron pa rin namang simbang gabi. Uso din dito yun.
So, ayun nga, hindi ako pumasok noong december 14 kase umattend ako ng walang katapusang interview. E ang lupit naman ng mga pangyayari sa mga interviews ko, pero hindi ko na I-e-elaborate, kase ibang kuwento na yun. So, ayun nga, noong gabi ng december 14, nagpunta naman ako sa meeting namin. Oo, tama ka, meeting nga, pero walang connection yun sa trabaho ha. Sa multi-media team ng SFC yun. Huwag ka ng magtanong kung ano yun, basta, kase may ipine-prepare kameng presentation para sa pangalawang araw ng simbang gabi, kaya super attend kame ng meeting.
Natapos yung meeting ng past 1 am n ng december 15. So, pag-uwi sa flat, tulog agad. Gising ng pasado alas-sais, then pasok na sa opisina. Maghapon, nagpanggap na abala, pagpatak ng 2, umuwi na. ¾ day kase kapag araw ng huwebes.
Pero siyempre, imbes na umuwi ng flat, para matulog, maglamyerda muna tayo. Samahan natin ang ka-sister na magpagupit, at mainggit din tayo, kaya magpapagupit din dapat, at kelangan mag-aaya pa tayo sa ibang ka-sister na magpagupit din.
Pero siyempre, hindi muna kayo agad magkikita-kita di ba. Kase dadaan pa dapat sa flat ng isang kaibigan, may ipapakidala sa isang kaibigang uuwi dyan sa pinas, makikikain ng tanghalian, kase alas-2 na kaya nun, at saka pa lang pupunta sa pagpapagupitan.

Pagkatapos nyong magpagupit na tatlo, mapagdedesisyunan, na hindi pa rin maghihiwa-hiwalay, bakit kamo, kase sa sobrang miss na miss nyo na ang isa’t-isa, ayaw nyo pang maghiwa-hiwalay di ba. Kaya pupunta muna kayo sa mall at mag-iikot. Pagdating sa mall, mang-aaya pa rin ng kaibigan para sumamang maglibot.
Pagkaraan ng ilang oras na paglilibot sa mall (in fairness, merong mga nabiling sulit naman), hindi na sapat ang oras para umuwi pa sa kanya-kanyang flat para magpahinga at magpalit ng damit para magkita-kita ulit, dahil aattend ng simbang gabi, umorder na lang ng pagkain, ipapadeliver sa flat ng isa sa mga kasama at dun na lang kakain. Pero kailangan uuwi yung isa, kase ganun talaga, susunod na lang siya.
Pero, ang biyahe papunta sa flat, may event pa rin na kailangang mangyari. Hindi basta basta uuwi lang di ba. Kailangan, masigawan ng driver sa kadahilanang tumigil daw sa pagsigaw-sigaw. Maturuan ng manners kung paano makitungo sa matatandang kagaya niya raw, yung mga ganung pangyayari ba, bago pa makarating sa patutunguhan.
Pagdating naman sa flat, hinintay lang dumating ang pagkain, hindi na hinintay ang isang kasamahan, at malapit na ang takdang oras ng pagpunta sa simbahan, nagbihis lang, hinintay ang kasamahang umuwi pa, hindi na binigyan ng pagkakataong makakain (ang tagal kase), punta na sa simbahan.
Pagdating sa simbahan, ooopppsss, meron pa palang program, bago ang actual na misa, maghintay tayo. At dahil ginabi na kame sa pagpunta sa simbahan, hindi man kame late, ngunit maaga naman ang mga tao, wala na ring upuan, kaya tumayo tayo. Kalimutan natin na naglakad nga pala tayo ng walang habas sa mall. Kalimutan natin na puyat na nga pala tayo noong nakaraang araw. Kaya pa natin ito.
Pagkatapos ng misa, huwag muna tayong umuwi. Kailangan, makipag-socialize muna tayo sa mga tao na umattend ng misa. Ang mga super friends, friendly-friends, at kung sino-sino pang mga friends. Batiin muna natin sila isa-isa. Magpakuha din tayo ng litrato. First day ba naman ng simbang gabi e.
Pagkatapos ng 48,000 years na pagpapaalamanan sa isa’t-isa, asarin natin ang isang kaibigan na manlibre naman siya ng kape. At ang kaibigan namang ito, kumagat sa pain, oo nga, magkape naman tayo. Kaya, imbes na umuwi tayo sa kanya-kanyang flat, magkape muna tayo.
Ang suma-tutal, umuwi tayo ng pasado ala-una, tutal biyernes naman bukas, walang pasok.
Pero, diyan ka nagkakamali, hindi porke’t biyernes e hindi ka na gigising ng maaga. Kung iyong natatandaan, may a-attendan kang orientation, kung saan, mag-uumpisa ng 9 ng umaga hanggang 6 ng gabi. E maghahanda ka pa, so ang gising mo nun, 1 oras, bago ang ibabiyahe mo. Pero, dahil adik ka nga sa tulog, gawin na lang nating 30 mins.
Pagkaraan ng ilang sandali, handa ka ng umalis ng flat patungo sa bus stop kung saan doon kayo magkikita ng kasama mo. So, sumakay na tayo ng bus, papunta sa patutunguhan. Magkuwentuhan tayo, habang nagbibiyahe, malayu-layo rin kase. At dahil sa pakikipagdaldalan, kalimutan nating pindutin ang buzzer. Ang driver, supportive ever, huwag tayong huminto sa bus stop na wala namang pumapara at wala namang nagnanais na bumaba. Ayun, lagpas tuloy kame. Kaya imbes na isang kilometro lang ang lalakarin, naging 2 kilometro pa tuloy. Pagdating tuloy sa pupuntuhan, wala ng panahon na magpahinga, magsisimula na raw. Ayun, nagsimula past 10 na, ayos.
Hindi ko na rin iisa-isahin ang pangyayari noong orientation, ang haba na kase e. Saka parang ibang kuwento na yun, kaya, dun na lang sa natapos ang part namin mga bandang 4pm na. Nagpahinga lang sandali, susunduin na raw kame para naman pumunta sa simbahan, dahil may presentation nga, di ba, kaya kelangan maaga ka dun, at baka may maitutulong ka.
Pagdating sa simbahan, naghanda na para sa presentation, nagsimula mag-present, pasado 8pm na. Pagkaraan ng presentation, nagumpisa na ang misa.
Eto na naman, tapos na naman ang misa, siyempre, 48,000 years na paalamanan… ngunit, subalit, pero, teka, sandali, naaya kameng lumabas muna. Sa madaling sabi, imbes na umuwi na kame ng diretso, sumama muna tayong gumimik. Hindi naman kase tayo masyadong puyat di ba. Wala namang pasok ng Sabado e (ung iba lang, wwwaaahhhh).
Kaya nakita na naman namin ang aming sarili na, sumamang lumabas, imbes na tuluyang umuwi sa flat. Natapos ang kuwentuhan (kung natapos nga ba?) ng bandang 1am na. Kahit nga hindi pa nag-uuwian e nagpaalam na kame, at nakarating kame sa flat ng mga bandang 2am na. Natulog, at gumising ng pasado alas-6.
Napagod ka ba? Ako rin napagod e. Kaya nga dito ko na muna puputulin ito. Hanggang sa susunod na kuwento na lang ulit.
Oo nga, may kasunod pa ito. Alalahanin mo, pangalawang araw pa lang yan ng simbang gabi, hindi ko pa isinasama ang pangatlong araw at ang mga susunod pa. Kaya talagang dapat mong abangan di ba. Pero aabangan mo lang yun, at your own risk ha, hindi rin ako nakakasigurado na mag-e-enjoy ka sa kuwento ko. Pero considering na nakarating ka ng pagbabasa hanggang sa parte na ito, malamang sa malamang e nag-e-enjoy ka naman di ba.
O siya, hanggang sa muli. Mag-ingat ka. God bless!!!